Connect with us

Government to government inquiry para sa gamot na Ivermectin, isasagawa ng DOH

Government to government inquiry para sa gamot na Ivermectin, isasagawa ng DOH

National News

Government to government inquiry para sa gamot na Ivermectin, isasagawa ng DOH

Nanawagan si 1-Pacman Party-List Rep. Eric Pineda sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng government to government inquiry para mas mapadali ang approval ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa gamot na Ivermectin.

Mahigit sa 50 clinical studies at nasa 15 mga bansa ang nagsagawa ng pag-aaral sa nasabing gamot kontra COVID-19.

Ani Pineda, maaaring pagbasehan ang clinical trials na ginawa sa ibang bansa para mabilis na magawaran ng EUA ang Ivermectin.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, bukas siya na kausapin ang ibang mga bansa para maging pagbasehan ng Food and Drug Administration (FDA) sa paggawad ng EUA sa nasabing gamot.

Welcome development naman para sa Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) ang hakbang ng DOH.

Ayon sa grupo, malaki ang maitutulong nito para sa agarang EUA approval para sa Ivermectin ngayon na pinapansin na ng DOH ang clinical trial ng ibang mga bansa.

More in National News

Latest News

To Top