Connect with us

Globe, inihahanda na ang disater assistance para sa maaapektuhan ng bagyong Kiko

Inihahanda na ngayon ng Globe ang disaster assistance para sa mga maaapektuhan ng bagyong Kiko

National News

Globe, inihahanda na ang disater assistance para sa maaapektuhan ng bagyong Kiko

Inihahanda na ngayon ng Globe ang disaster assistance para sa mga maaapektuhan ng bagyong Kiko na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong isang gabi at magpapatuloy na lalakas pa ngayong weekend.

Sa ngayon, naghahanda na ang Globe sa libreng tawag, libreng charging at libreng WiFi sa anumang oras dahil sa inaaasahang malakas na ulan dulot ng bagyon na makaaapekto sa eastern section ng Norther Luzon sa biyernes, ika-10 ng Setyembre.

Tiniyak naman ng Globe sa publiko na naka-standby ang tenchnical at support personnel nito at handang mag-assist upang matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo nila sa komunikasyon.

Bukod pa rito, may mga generators din para sa mga pasilidad kapag may power supply interruption.

Nagbigay din ng payo ang Globe sa mga mamamayan na manatili sa loob ng bahay sa kasagsagan ng masamang panahon.

Ayon sa Globe, dapat mag-store na ng sapat na pagkain, tubig, kandila, first aid kits, flashlights na may extra batteries at fully charge ang mga mobile phones.

Dapat ding naka-alerto sa mga text message mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Maaari rin nilang i-check ang NDRRMC website para sa iba pang impormasyon.

More in National News

Latest News

To Top