Global death toll dahil COVID-19, umakyat na sa 10,048

Global death toll dahil COVID-19, umakyat na sa 10,048

COVID-19 UPDATES

Pumalo na sa kabuuang 10,048 katao ang nasawi dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Ito ay matapos makapagtala ng 1,097 na global casualty sa nakalipas na magdamag.

Kabuuang 26,790 naman ang nadagdag na panibagong kaso sa buong mundo

Dahil dito, umakyat na sa 245,612 ang kabuuang bilang ng coronavirus case sa iba’t-ibang panig ng mundo kung saan 147,127 ang active patients o kasalukuyang infected ng virus.

Sa naturang bilang 95% dito o 139,749 ang mild condition habang 5% o 7,378 ang seryoso o kritikal ang lagay.

90% naman o 88,437 ng closed COVID-19 case ang naka-recover mula sa sakit at nadischared na sa pagamutan.

Sa ngayon ay 179 na mga bansa na ang apektado ng Coronavirus pandemic.