Global death toll dahil COVID-19, umakyat na sa 10,048

Global death na sanhi ng COVID-19, kalahating milyon na

International News

Lagpas na sa 500,000 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa Coronavirus Disease-2019 (COVID-19).

Ito ay batay sa huling tala ng John Hopkins University.

Base sa kanilang datos, nasa kabuuang 501,233 ang nasawi sa buong mundo dahil sa naturang sakit.

Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming nasawi sa buong mundo na may 125,803 na fatality.

Sinundan naman ito ng bansang Brazil na may higit 57,000 nasawi at United Kingdom na may higit 43,000 death toll.

Samantala, umabot na sa 10,117,326 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Sa nasabing bilang,  57,354 dito ay nasa kritikal na kondisyon habang 4,136,697 ang mild condition.

Nasa 5,568,222 naman ang kabuuang gumaling na mula sa sakit.