NTC OSG ABS-CBN CAYETANO

Ginawa ng NTC at OSG sa ABS-CBN, hindi palalampasin ni Speaker Cayetano

National News

Hindi palalampasin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang naging kapalarang ng prangkisa ng ABS-CBN.

Ito ay matapos ipatigil ng National Telecommunication Commission (NTC) ang operasyon  ng kumpanya matapos mapaso ang kanilang prangkisa noong Mayo 4. Kasama rin dito ang isyu ng pangingi-alam umano ng Office of the Solicitor General sa prangkisa ng Kapamilya network.

Sa kaniyang facebook page, sinabi ni Cayetano na itutuloy pa rin ang pagdinig sa nakabinbing franchise bills ng Kapamilya network.

Binigyang diin ni Cayetano na patas at walang kinikilingan ang Kamara kaugnay sa mga isyung lumutang laban sa kumpanya.

“So for those asking what Congress will do – the answer is simple – our job. The committee on legislative franchises will conduct hearings in a manner that is consistent with what we have always said. That is – fair, impartial, thorough, and comprehensive,” pahayag ni Cayetano.

Kahit tinuluyan ng NTC ang ABS- CBN, giit ni Cayetano na wala paring magbabago sa rule of law; dahil malinaw na hawak ng Kongreso ang kapangyarihan sa usaping ng legislative franchise.

“(NTC’s order) unnecessarily complicates the issue. It does not change the fact that the exclusive constitutional authority to grant, deny, extend, revoke, or modify broadcast franchises –  including having the primary jurisdiction to make an initial determination whether an application for a legislative franchise should be granted or denied – still resides in Congress, and Congress alone,” dagdag pa ni Cayetano.

Ipinunto din ni Cayetano na nais nilang gawing maayos ang pagtalakay sa prangkisa ng ABS- CBN; subalit nangyari na ang nangyari.

Ani Cayetano, aayusin ng Kongreso ang pagkakamaling nangyari laban sa prangkisa ng network.

“We would have wanted to do this in an orderly manner. But what we want and what we have to deal with are two different things. So this Congress has no choice; but to once again rise to the occasion and fix the mess others make,” giit ni Cayetano.

Matatandaan na nagbigay ng assurance ang NTC noong buwan ng Marso na bibigyan nito ng provisional authority ang ABS-CBN habang dinidinig ang franchise renewal nito sa Kongreso.

Subalit may malalaking isyu na kinaharap ang bansa sa unang kwarter ng taon na inunang tugunan ng Kongreso.

Isa na rito ang pagsabog ng bulkang Taal nitong Enero kung saan nagpasa ang Kamara ng supplemental budget at mga panukala para sa relief efforts.

At ang kasalukuyang COVID- 19 pandemic kung saan nakatutok din ang Kamara sa pangangailangan ng administrasyon.

Nauna narin sinabi ng lider ng Kamara na maraming legislation pa ang mas mahalaga na mabigyan nila ng atensyon sa halip na unahin ang franchise renewal ng ABS- CBN.

Huling banat ni Speaker Cayetano na hindi nito palalagpasin ang aksyon ng NTC at ng OSG sa isyu ng ABS- CBN Franchise.

“As for the sudden flip-flopping of the NTC and the unconstitutional meddling by the Solicitor General in the business of Congress, I promise you – there will be a reckoning,” banta ni Cayetano.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na ipapa-contempt nito ang NTC kung tutuluyan nito ang ABS-CBN.

“If the NTC chooses to succumb to the pressure of the Solicitor General, and disregard the commitments they gave under oath, we reserve the right to call them before Congress and explain why they should not be held in contempt,” saad ni Alvarez.

Maraming kongresista ang kumondena sa desisyon ng NTC. May isang kongresista nga na gustong buwagin ang NTC dahil sa kabiguan nitong gawin ang kaniyang mandato.

Bago ang pagsisimula ng sesyon nitong Lunes, May 4, wala sa priority list ng kamara ang ABS- CBN.

Ang Econonomic Stimulus Bill at iba pang mga COVID- 19 response ang prayoridad ng Kamara; lalo pa at patuloy parin ang paglaganap ng virus sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na posibleng pagkatapos pa ng SONA ng Pangulo mahihimay sa komite ang ABS-CBN franchise. Ito ay kung hindi matutuloy ngayong Mayo.

Wala namang magbabago sa timeline ni Cayetano; subalit nang binanggit niya ito noong Marso, hindi pa iniisyu ng NTC ang order laban sa Kapamilya network.