Humingi na ng paumanhin si Gilas Pilipinas pool member Isaac Go kay PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa video nito kung saan nakikipaglaro ito ng 5-on-5 game kasama sila Japeth Aguilar, Thirdy Ravena at iba pa sa isang private gym sa Greenhills.

Gilas Pilipinas pool member Isaac Go, lumabag sa quarantine protocols

Sports

Humingi na ng paumanhin si Gilas Pilipinas pool member Isaac Go kay PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa video nito kung saan nakikipaglaro ito ng 5-on-5 game kasama sila Japeth Aguilar, Thirdy Ravena at iba pa sa isang private gym sa Greenhills.

Ayon kay Marcial, pinaalalahanan niya si Go na kahit hindi ito miyembro ng PBA ay itinuturing siyang parte ng kanilang pamilya at dapat itong magsilbing magandang ehemplo sa iba.

Si Go, Aguilar at Ravena ay lumabag sa mahigpit na Inter-Agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases protocols na nagbabawal sa lahat ng contact sports sa kalagitnaan ng ipinatutupad na General Community Quarantine sa Metro Manila.

Nakausap na din naman ni Marcial ang star player ng Barangay Ginebra na si Aguilar kung saan pinaalalahanan niya din ito at sinabing humingi na rin ito ng paumanhin.