Connect with us

Gesmundo, hinirang ni Pangulong Duterte bilang bagong chief justice

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong chief justice ng Supreme Court.

National News

Gesmundo, hinirang ni Pangulong Duterte bilang bagong chief justice

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong chief justice ng Supreme Court.

Si Gesmundo ang susunod sa pwesto kay dating chief Justice Diosdado Peralta na siyang nagretiro na noong March 27.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, pinirmahan na ng pangulo ang appointment paper ni Gesmundo.

Bago pa man ito nahirang sa kasalukuyang pwesto, si Gesmundo ay naging chairman ng 7th division ng Sandiganbayan bago ito napunta sa Supreme Court bilang associate justice noong August 2017.

Nakatakdang magretiro si Gesmundo sa November 06, 2026 kung saan magiging chief justice ito sa loob ng 5 taon.

More in National News

Latest News

To Top