Connect with us

Hepe ng GenTri City, sinibak sa pwesto kasunod ng pagkasawi ng isang curfew violator

Inalis na  sa puwesto si General Trias City, Cavite chief of police matapos affidavit ng ibang quarantine violators na nagpataw ng physical punishment.

National News

Hepe ng GenTri City, sinibak sa pwesto kasunod ng pagkasawi ng isang curfew violator

Sinibak sa pwesto si Police Lieutenant Colonel Marlo Solero, hepe ng General Trias City Police sa Cavite.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng curfew violator na si Darren Peñaredondo na pinagawa umano ng physical exercise.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na base sa affidavit ng quarantine violators ay pinagawa umano sila ng knee bender exercises ng mga pulis bilang parusa.

“The PD, Cavite PPO has relieved the COP of Gen Trias after finding out that 2 of the quarantine violators executed sworn affidavits that fhey indeed were made to do phys exercises (knee bender) by two GT policemen earlier relieved pending the investigation.”

Isinailalim na rin sa direct supervision ng provincial police office si Solero kasama ng dalawa pang police officer na nag-utos naman kina Darren at ibang curfew violators na magsagawa ng physical exercise na tinitingnan dahilan ng pagkasawi ni Darren.

“The COP, who made a statement of denial earlier, and the two cops are now placed under the direct supervision and control of the PD who went straight to GT to validate for himself from vital witnesses what actually happend during that fateful night that may probably be one of the preceding causes of the death of Mr Darren Peñaredondo. Admin and/or crim inves is now being handled by Cavite PPO.”

Kinilala ni Usana ang dalawang pulis na sinibak na nagpagawa sa physical exercise sa curfew violators na sina Police Corporal Jerome Vibar at Police Corporal Kenneth Mercene.

Kaugnay dito, may paglilinaw na ginawa ang PNP kasunod ng patuloy na pagtatala ng mga otoridad ng mga pasaway at patuloy na lumalabag sa iplementasyon ng curfew.

Ani usana, hindi masama ang magpa-ehersisyo lalo na’t kailangan at mahalaga din ito sa katawan at kalusugan ng isang tao.

Pero, maaari aniyang maging masama ito kung ipapapagawa ito sa isang taong maysakit o may karamdaman.

“We only have to make it clear on the Cavite case that phys exercises are not bad. They are necessary for everyone to live a healthy life. But there is also such a thing as excessive phys exercise that could be harmful to a person with medical history,” ani Usana.

More in National News

Latest News

To Top