Connect with us

Gen. Parlade, rumesbak sa mga banat ni Tulfo kaugnay sa red-tagging

Sinagot ni LTGEN Antonio G. Parlade ang mga pahayag ni Mr. Ramon Tulfo hinggil sa mga banat nito sa kanya sa nagdaang mga isyu.

National News

Gen. Parlade, rumesbak sa mga banat ni Tulfo kaugnay sa red-tagging

Sinagot ni LTGEN Antonio G. Parlade ang mga pahayag ni Mr. Ramon Tulfo hinggil sa mga banat nito sa kanya sa nagdaang mga isyu.

Ayon kay Parlade, “Hindi malaki ang bunganga ko tulad ni Mr. Ramon T. Tulfo, pero sinisiguro ko, mas malaki ang puso ko para sa bayan. Hindi man ako articulate pero TOTOO ang sinasabi ko, hindi tulad ng sinasabi ni Mr. Tulfo na puro base sa nabasa niya sa diyaryo at maling basa niya.”

Nilinaw din nito na hindi niya sinabing miyembro ng komunistang grupo sina Liza, Angel at Catriona.

“Sino nagsabi na kumunista sina Liza, Angel, at Catriona? Ako? Hindi po Mr Tulfo kaya hindi ako ang nag redtag sa kanila. Baka ikaw. Kung ako sa iyo, magbasa ka muna ng mga post ko at huwag umasa sa mga articulate mong researchers.”

Ipinunto pa nito, “Kung ako sa iyo, magbasa ka muna ng mga post ko at huwag umasa sa mga articulate mong researchers.”

Sinabi pa nito na hindi lamang maliliit na tao ang kaya niyang tapatan tulad ni Joma.

Binaggit din nito ang naging desisyon ng Korte Suprema sa inihaing petisyon ng dalawang Aeta na amano’y pinahirapan ng mga sundalo o biktima ng Anti- Terror law.

“Oo nga pala Mr. Tulfo, nagdesisyon na ang SC na hindi puede ang testimonya ng 2 Aeta na nagsabi na pinakain sila ng dumi ng sundalo”

“Ito ay puro propaganda na itinuro lang sa kanila ng NUPL. Baka meron kang puedeng isulat ng magansa para makatulong ka naman sa bayan natin.”

Inasar pa nito sa huli na ginawa aniya niyang tagalog ang kayang pahayag upang hindi siya mapuna sa kanyang english.

Narito ang artikulo ni Tulfo na nakalathala sa Manila Times:

“Parlade’s first screw-up was when he tagged actresses Liza Soberano and Angel Locsin and Miss Universe Catriona Grey as communists for voicing support for women’s rights.

The general also threatened the three women with the same fate as Josephine Anne Lapira, who was killed in a clash between government troops and NPA rebels in Batangas in 2017.

The problem with this general, who graduated from the Philippine Military Academy, is that he obviously doesn’t understand the nuances of the English language.

Parlade could be called clueless.

That’s a pity because Parlade is also the spokesman of the long-winded National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Digressing, why is our government fond of giving grandiloquent names to its offices and agencies such as the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) when it could be shortened to National Disaster Council?

Anyway, Parlade should be replaced as military spokesman by a more articulate officer.”

More in National News

Latest News

To Top