Connect with us

Gen. Parlade, iginiit na hindi naiintindihan ng mga senador ang kanyang trabaho

Hindi makatarungan para sa Palasyo ng Malakanyang ang panawagan ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC at i-realign ang ₱19 bilyon.

National News

Gen. Parlade, iginiit na hindi naiintindihan ng mga senador ang kanyang trabaho

Hindi makatarungan para sa Palasyo ng Malakanyang ang panawagan ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang tugon ng Malakanyang sa matapos sabihin ng ilang mga senador na tanggalan ng pondo ang NTF-ELCAC at i-realign ang ₱19 bilyon para gawing cash subsidy.

Matatandaang ikinadidismaya ng maraming mga senador ang umano’y red-tagging ni NTF ELCAC spokesman Lt. General Antonio Parlade sa mga organizer ng community pantry.

Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang ₱19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang ang pondo nito sa susunod na taon ay alisin na.

Sinang-ayunan naman ito ni Sen. Sherwin Gatchalian at sinabing kung ang ganitong klase ng tao ang gumagastos ng pinaghirapang buwis ng taumbayan ay hindi karapat-dapat bigyan ng pondo.

Pero mismong ang pinuno ng mataas na kapulungan ng kongreso ay tumutol dito.

Ayon naman kay Senate Presidente Vicnte ‘Tito’ Sotto III naniniwala siyang maganda ang programa ng NTF-ELCAC.

Sakali aniyang alisan ito ng pondo ay babalik lang muli sa mga rebelde ang mga napagtagumpayan na ng gobyerno.

Mungkahi ng senador, walang dapat na sinisisi sa programa at sa halip na tanggalan ng pondo  ay palitan na lamang ang mga opisyal na ito.

Samantala, sa kaniyang social media post, ipinagtataka mismo ni General Parlade ang mga akusasyon at galit ng mga senador at ilang opisyal ng pamahalaan sa kaniyang mga pahayag bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Giit ng heneral, wala siyang dapat na ikahiya sa kaniyang pinagsisilbihang institusyon, ang AFP sa loob ng 37 taong serbisyo nito.

Marami lang aniya ang hindi nkakaunawa sa kaniyang trabaho.

Ani Parlade, “Some senators have accused me of bringing SHAME to the AFP, the institution I serve for 37 years now. From the responses of our netizens, they see it differently. I could be wrong.”

Dagdag pa ng opisyal, marami aniya ang naghihimok sa kaniya na bumalik sa bundok at labanan ang insurhensiya o karahasan dulot ng mga komunista sa  bansa at huwag ng makialam sa  politika.

Sinabi pa nito na hindi naiintindihan ng lahat na politika din ang dahilan ng pag-usbong ng mga komunista sa bansa at dapat na matukoy kung sinuman ang nasa likod ng mga ito.

Paliwanag ni Parlade, “Some wants me to go back to fighting the insurgents instead of engaging in politics. Do senators understand that insurgency is political warfare? Do they really think killing the rebels, without exposing where these termites thrive, is the solution? NTF ELCAC is about to annihilate the mother queens, with a package of program called BDP. Now the NTF is being stopped by the OWNER of the HOUSE. Something smells fishy. Go figure.”

Hamon pa nito sa mga senador, dagdagan pa ang pirma na tumututol sa  NTF-ELCAC bago ito magsalita.

“It’s past midnight and I’m wondering how many Senators have signed the Resolution #1 to defund the NTF ELCAC and cancel the Brgy. Dev’t Program. I want to wait until the final list of Senators who have signed it is out, BEFORE I comment again. Meron pa kaya hahabol? I think that’s it,” dagdag pa ng heneral.

Kaugnay nito, sa live TV program ni Pastor Apollo C. Quiboloy na Powerline, ikidismaya rin nito ang desiyon ng mga senador na tuluyang alisan ng pondo ang programang lumalaban sa pagpuksa sa mga problema ng karahasan at komunismo  sa bansa.

Giit pa ng butihing pastor, dapat magkaisa ang lahat na pabagsakin, siraan at huwag suportahan ang mga propaganda ng mga makakaliwang grupo na layong siraan ang gobyerno.

Samantala, nauna nang nilinaw ni AFP Chief of Staff Cirilito Sobejana na iginagalang pa rin ng kanilang ahensiya ang mga pahayag ni General Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Sa huli, nanindigan si Parlade na matagal na siyang naghahanda ng pagbaba sa pwesto  pero hindi aniya ito makahahadlang na ipagpatuloy ang kaniyang laban mula sa mga mapanlinlang na komunista sa bansa

 

More in National News

Latest News

To Top