Connect with us

Gawing isang termino ang pag-kasenador, planong isulong ni Atty. Larry Gadon

National News

Gawing isang termino ang pag-kasenador, planong isulong ni Atty. Larry Gadon

Nais na baguhin ni Atty. Larry Gadon ang ilang probisyon sa Saligang Batas.

Ito ay sakaling palarin na manalo sa pagkasenador sa darating na halalan sa 2022.

Ngayong araw ay pormal na inendorso sa national convention ng Kilusang Bagong Lipunan o KBL party si Gadon bilang pambato sa pagkasenador sa darating na Eleksyon.

Ayon kay Gadon, nais niyang isulong sa Senado na gawing isang termino nalamang ang mga senador.

Para sa kanya sapat na ang 6 na taon ng isang senador kung ito ay nakatutok talaga sa pagserbisyo sa bayan.

Marami na anyang mga naging senador sa kasalukuyan na mahigit 2 dekada na sa pwesto pero wala namang nagagawa.

Partikular na pinuna niya rito ay sina Sen. Franklin Drilon at Sen. Kiko Pangilinan.

Isa pa sa isusulong din nito na gawing isa nalang ang pagboto sa pagkapangulo at pagkabise presidente.

Ibig sabihin kung sino ang katandem ng pangulo na iboboto ay siyang magiging bise presidente nya.

Layon anya nito na hindi magaya sa kasalukuyan ang sitwasyon na hindi nakikiisa at panay banat at reklamo ang pangalawang pangulo sa presidente.

More in National News

Latest News

To Top