Connect with us

Gawang Pinoy na gamot vs. COVID-19, suportado ng BBM-Sara Uniteam

Gawang Pinoy na gamot vs. COVID-19, suportado ng BBM-Sara Uniteam

National News

Gawang Pinoy na gamot vs. COVID-19, suportado ng BBM-Sara Uniteam

Suportado nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio ang inisyatibo ng pamahalaan at pribadong sektor para sa lokal na produksyon ng molnupiravir, isang gamot para COVID-19.

Niniwala ang magka-tandem na malaki ang maitutulong ng nasabing gamot upang madaling makarekober ang bansa sa biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Makakabuti anila ang pangmatagalang laban ng bansa kontra COVID-19 dahil mapapababa ang presyo nito at mas magiging abot-kaya na ng mga Pilipino sa katagalan.

“We fully support this kind of initiative, and we intend to expand it so that more of our people can avail of this life-saving medicine.  We also need to allow our local pharmaceutical industry to increase its manufacturing capacity to make COVID-19 treatments widely available and more affordable,” ayon sa Uniteam.

Maliban sa pagpapaganda sa mga polisiya sa sektor ng mga healthcare workers, nakatuon din ang BBM-Sara Uniteam na tiyakin na ang lahat ng Pilipino ay mapapangalagaan sa gitna ng banta ng pandemya.

“Our battle against COVID-19 will be for the long haul. The BBM-Sara Uniteam is fully committed to ensuring that all Filipinos get the best possible care in this pandemic”.

“Aside from pushing for reforms and better policies in the healthcare sector, we are also keen on initiatives that have immediate benefit to our people’s health and well-being,” dagdag pa ng BBM-Sara Uniteam.

Diin pa ng Uniteam na mas mabilis ang paggamot sa mga positibo sa COVID-19 kung mapataas ang kakayahan ng bansa sa lokal na produksyon ng molnupiravir.

“As home isolations and home quarantines become the norm, those with mild symptoms will need therapy like molnupiravir.  The resulting increase in our manufacturing capacity and capability will also enable us to produce future COVID-19 treatments faster when they become available”.

Batay sa inilabas phase 3 clinical trial na isinagawa sa India, nakakapagpababa ng viral load ng mga pasyente at mabilis ring nakapagtatala ng negatibong resulta sa kanilang mga RT-PCR tests ang molnupiravir.

Inanunsyo rin kamakailan ng Philippine Board of Investments (PBI) na inaprubahan na nila ang aplikasyon ng isang lokal na pharmaceutical company na gumawa ng molnupiravir sa bansa.

Ito ay matapos makakuha ng isang technology transfer agreement sa isang ring pharmaceutical company mula sa India.

Posible namang magsisimula ang produksyon ng molnupiravir sa isang pasilidad sa Bulacan.

Ang gawang Pilipinas na molnupiravir ay may suggested retail price (SRP) na P65 kada tableta na higit na mas mura kaysa sa imported na bersyon ng nasabing gamot na mabibili sa halagang P100-P150 kada tableta.

More in National News

Latest News

To Top