Kapa

 Galit na mga investor ng KAPA, nilusob ang headquarter nito sa Alabel, Sarangani

Regional

Tinatayang nasa 100 katao na nag-invest ng kanilang pera sa KAPA Community Ministry International Inc. ang lumusob sa headquarter nito sa Barangay Bagacay, Alabel,Sarangani.

Ito’y matapos maaresto ang KAPA founder na si Pastor Joel Apolinario kabilang ang 23 na kanyang mga tagasuporta sa isang isla sa bayan ng Lingig sa Surigao del Sur.

Ayon kay Johnny Coral, isa sa mga caretaker, pinagkukuha ng mga lumusob ang lahat ng mga bagay na kanilang makukuha sa loob ng mga opisina.

Aniya, wala na silang magagawa kaya pinapanood na lamang nilang kinukuha ang lahat ng mga kagamitan sa lugar na kanilang binabantayan.

Kabilang sa mga ninakaw ang mga office chairs, flower pots, mga uninstalled na toilet bowls at iba pang mga bagay mula sa compound.

Huli na nang dumating ang mga pulis kung saan agad namang nakatakas ang mga lumusob.