Connect with us

Galawang Pacquiao, isang uri ng pagiging traydor – Pastor ACQ

Mananatiling traydor ang record ng buhay mo. Ito ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kanyang Give Us This Day Program

National News

Galawang Pacquiao, isang uri ng pagiging traydor – Pastor ACQ

Mananatiling traydor ang record ng buhay mo.

Ito ang inihayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kanyang Give Us This Day Program sa SMNI kasunod ng patutsada ni Sen. Manny Pacquiao sa Administrasyong Duterte.

Ayon sa butihing pastor, ang ginagawa ng senador laban sa Pangulo ay pagiging traydor lalo na’t kabilang sila sa top official sa PDP-LABAN.

“Wala akong bilib sa taong traydor. PDP-Laban ka, president; chairman ang ating pangulo. Meron ka palang mga patutsada, mga akusasyon, meron ka palang pagbatikos; trinaydor mo siya, he was not aware of it.

“Sana bago mo ginawa ‘yun, nag-resign ka muna kasi bakit? Kilala ng tao na ikaw, kaibigan ng pangulo. Kilala ng tao na kinumpiyansahan ka ng Pangulo,”saad ni Pastor Apollo.

Sinabi pa ng butihing pastor na maganda ang kanilang intensiyon na ihayag ang mga kurap ngunit kailangan nitong patunayan.

Ani pa nito, “Sweeping masyado ‘yung kanyang sinabi na this government, this administration is twice or thrice more corrupt than the previous administration. That’s a sweeping indictment, that is a sweeping accusation which is unfair, I think because we all have the facts here. And kung mag-aakusa ka (Sen. Manny Pacquiao) ng ganun dapat kumpleto ka na ng mga impormasyon mo.”

Hinamon pa ni Pastor Apollo si Pacquiao na patunayan ang kaniyang inihayag na hindi sinungaling at hindi tiwali matapos tanggapin ang hamon ni Pangulong Duterte.

Katulad nalamang dito ang pagbibigay linaw sa kanyang pagtatapos sa Univesity of Makati (UMAK).

” Noong nag-enroll ka sa University of Makati na September 2019, gumradute ka sa 4 year course na Bachelor Degree in Political Science, ng tatlong buwan, gumradute ka December 2019,  nag-enrool ka September 2019 at gumradute ka December 2019, tatlong buwan mong tinapos ang  4 year course na pinaghihirapan ng iba sumasakay ng jeep, nagwo-working student, anung nangyari,anu ang ginawa mo,”

” Ang tanong ko dito, How did you do it? There is no other question in my mind than that you have corrupted the University of Makati. By what means, by your popularity or by paying them money, Now that is just that is just a probability but that it is a strong probability.Sinabi mo hindi ka tiwali at sinungaling, ngayon huwag kang magsinungaling, paanu mong nakuha ang apat na taong kurso, Bachelor Degree in Political Science in three months.Huwag po kayong magsinungaling butihing senador.”

Kaugnay nito, kinuwestyon din ni Pastor Apollo si Sen. Pacquiao, kung hindi ito kurap, bakit pumabor ito sa ABS-CBN franchise renewal sa kabila ng kinakaharap nitong tax evasion at marami pang paglabag sa batas.

“Kung korupsiyon ang pinag-uusapan,ito bang tax evasion na ginawa ng ABS-CBN Senator Manny Pacquiao, Corruption ba ito o hindi?, Corruption ba ito o hindi?,kaya hindi sila na renew ng Franchise kasi meron silang Corruption na ginawa hindi sila nagbayad ng tamang taxes, it’s called tax evasion.”

“‘Yung Development Bank of the Philippines na iniimbestigahan ng mga magigiting nating congressman in the lights of Congressman Marcoleta,Congressman Defensor, Congressman Barzaga, Congressman Remulla, ‘yung sa DBP, walang collateral nakapag-loan sila ng more than 1 billion, hindi pa yata nabayaran hanggang ngayon, ABS din yun, Corruption ba yun o hindi, kung ang sagot mo ay corruption, Bakit ka pumirma at isa ka sa mga senador na pumirma na ibalik ang franchise ng ABS-CBN na alam mo pala na ito ay corruption ang ginawa nila, sa tax evasion, pagsisinungaling at ang condonation noong naghiram sila sa DBP at walang collateral , hanggang ngayon yata ay hindi pa nakapagbayad, pakisagot, forget about being president,you will never be president with taht  kind of attitude,” ang pahayag ni Pastor Apollo.

 

More in National News

Latest News

To Top