Mahigpit na tututukan ng Philippine National Police ang galaw ni dating Senador Antonio Trillanes IV at iba pang kinasuhan ng sedition.

Galaw ni dating Senador Antonio Trillanes at iba pa, mahigpit na babantayan

National News

Mahigpit na tututukan ng Philippine National Police ang galaw ni dating Senador Antonio Trillanes IV at iba pang kinasuhan ng sedition.

Kasabay nito, umaasa si PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa na tutupad si Trillanes sa pangako nitong personal na haharap sa korte.

Kinasuhan si Trillanes at iba pang personalidad ng sedition dahil sa “ang totoong narco-list video.”

Una nang nabigo ang mga pulis na maisilbi ang warrant of arrest kay Trillanes na nasa labas ng bansa.

Samantala, inaabangan naman ang pagpapiyansa ni Peter Joemel Advincula sa Quezon City RTC Branch 138.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *