Connect with us

Gag Order para kay Gen. Parlade, ipinagpasalamat ng isang senador

Nagpapasalamat si Sen. Sherwin Gatchalian kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa pagbibigay nito ng gag order kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson LT. Gen. Antonio Parlade Jr.

National News

Gag Order para kay Gen. Parlade, ipinagpasalamat ng isang senador

Nagpapasalamat si Sen. Sherwin Gatchalian kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa pagbibigay nito ng gag order kay National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson LT. Gen. Antonio Parlade Jr.

Maganda aniya itong naging hakbang ni Esperon sa gitna ng mga mapanirang pahayag ni Parlade.

Punto ni Gatchalian, nagkakaroon ng kaguluhan dahil sa pagred-tag nito sa mga community pantry at ang pangalawa aniya ay ang pagtawag nito sa mga senador na estupido.

Aniya, ang naturang gag order ni Esperon ay pagpapakita na mahalaga sa opisyal ang opinyon ng mga senador at taumbayan sa mga pahayag ni Parlade.

Pero sakabila nito ay ipagpapatuloy aniya ng senador ang pagbusisi sa pondo ng NTF-ELCAC at ang mungkahing bawian ng pondo ang naturang task force.

Sa ngayon, Ayon kay Esperon , bawal na munang maglabas ng pahayag hinggil sa community pantry ang mga ito.

Ang nasabing gag order sa dalawa ay upang maalis ang pagkalito ng publiko hinggil sa ginagawang bayanihan ng iba’t-ibang grupo.

Sa kabila nito, ipinagtanggol naman ni Esperon sina Parlade at Badoy na may mga sarili din silang mga bayanihan projects.

Dahil dito, sinabi ni Esperon na hindi dapat ma-defund ang NTF-ELCAC.

Aniya, may programa ang NTF-ELCAC para sa barangay development program na aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinakailangan ang naturang programa dahil target nito ang barangay na matagal ng itinuturing na conflicted areas o guerilla base ng NPA.

Kung i-defund aniya ito ng ilang kongresista at senador, nagmimistula aniyang binabalewala ang laban ng bansa kontra sa mga NPA.

Dipensa pa ni Esperon, ginagawa lang nila NTF-ELCAC Spokesperon Lorraine Badoy at Lieutenant General Antonio Parlade ang kanilang trabaho kung saan isinisiwalat nito ang katotohanan laban sa CPP-NPA-NDF.

 

More in National News

Latest News

To Top