Gabby Lopez, pinag-recite ng ‘Panatang Makabayan’ sa Kamara

National News

Pinag-recite si ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez III ng “Panatang Makabayan” sa naging pagdinig ng Kamara hinggil sa kanyang citizenship issue.

Sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa citizenship issue ni Lopez, muling ginisa ni SAGIP-Partylist representative Cong. Rodante Marcoleta.

Ilang beses tinanong ni Marcoleta ang katapatan ni Lopez sa kanyang pagiging “Filipino.”

At sa kalagitnaan ng pagtatanong, inutusan ni Marcoleta si Lopez na bigkasin ang huling linya ng “Panatang Makabayan”

Natagalan naman bago makapagsalita si Lopez at ang abogado pa mismo nito ang nagturo rito upang mabigkas ang nasabing linya.

“Iniibig ko ang Pilipinas,” ang sagot ni Lopez matapos ang ilang minuto.

Matatandaang ipinanganak sa Amerika si Lopez at naging American citizen ito sa ilalim ng batas ng Amerika. Ito ay kahit na parehong Pilipino ang magulang ni Lopez.

Sa ilalim ng Saligang-Batas ng Pilipinas, Pilipino lamang ang may karapatang magmay-ari ng isang mass media company.