Gabby Lopez, muling nagisa sa pagdinig ng Kamara  

National News

Muling inusisa ang citizenship issue ng bigboss ng ABS-CBN.

Sa ika-apat na ABS-CBN franchise hearing, inungkat ng mga kongresista ang travel history ni ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez III.

Kinuwestyon ni Deputy Majority Leader Boying Remulla ang biyahe ni Lopez sa Japan gamit ang US passport bilang Filipino-American citizen.

Ayon kay Remulla, may kumplikasyon ang paggamit ni Lopez sa kaniyang US passport.

“So, does it not occur to you, Mr. Lopez, that when you use an American passport, you are seeking the protection of the American government whenever you use that document?,” pagtatanong ni  Remulla.

Sinagot naman ito ni Lopez na ito ay dahil “convenient”  sa pagkakaroon ng visa.

“I am simply making a decision based on what is convenient in terms of visas.”

Pero binigyang-diin naman ni Remulla na ang pagkakaroon ng US passport ay isang deklarasyon na siya ay isang US citizen.

“Yes, but under international law, a person carrying a passport of the United States is under the protection of the US government. That is a declaration to the whole world and to that country that you are a citizen of America.”

Muli ring tinanong si Lopez sa isyu ng dual allegiance dahil dalawa ang hawak niyang pasaporte.

Lalo pa’t tahasang inamin ni Lopez na pareho itong nakaboto sa US and Philippine Election.

Inusisa naman ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta kung may ginawa ba si Lopez para patunayan ang kaniyang katapatapan sa bansa.

Ayon kay Marcoleta, ang pagka-Pilipino ay pinapatunayan at hindi minamana.

Ayon naman sa DOJ, malinaw na “nakalagay mismo sa Constitution na para sa mass media companies, dapat ay 100% Filipino-owned.”