Connect with us

Gab Valenciano, namana ang sakit ng amang si Gary V.

Gab Valenciano, namana ang sakit ng amang si Gary V.

Showbiz

Gab Valenciano, namana ang sakit ng amang si Gary V.

Ibinahagi ni Gab Valenciano ang mga larawan at clip ng kanyang sarili sa ospital kamakailan na na-diagnose ng prediabetes.

Si Gab, 33 ay anak ng beteranong entertainer na si Gary Valenciano.

Ayon sa  Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang prediabetes ay isang malubhang kondisyon sa kalusugan kung saan ang blood sugar levels ay mataas pero hindi naman aabot sa klasipikasyon bilang type 2 diabetes.

Gayunpaman ang mga taong may prediabetes ay mas posibleng magkaroon ng type 2 diabetes, sakit sa puso at stroke.

Kasama sa mga sintomas nito ang pagiging overweight at mga may edad 45 taong gulang pataas at pagkakaroon ng magulang o kapatid na may type 2 diabetes.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na ang ama ni Gab na si Gary V. ay nakipaglaban din sa type 1 juvenile diabetes mula noong siya ay 14 anyos pa lamang.

Matatandaan na noong taong 2005, halos ma-coma ang beteranong singer matapos magkaroon ng hypoglycemic attack sa isa sa kanyang show.

Sumailalim din siya sa isang emergency open-heart surgery noong 2018, matapos masuri na ang kanyang kaliwang anterior descending artery ay na-block dahil sa diabetes.

Nagpasalamat naman si Gab sa kanyang mga doktor at nurse na nag-asikaso sa kanya at sa kanyang pamilya at mahal sa buhay na nagdarasal sa kanyang paggaling.

Continue Reading

More in Showbiz

Latest News

To Top