Cayetano-ABS-CBN

Franchise renewal ng ABS-CBN, wala sa prayoridad ngayon ng Kamara

National News

Tila dadaan sa butas ng karayom ang franchise renewal ng ABS-CBN sa Kamara.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, magsasagawa ng masusing pagsisiyasat ng Kamara sa franchise bills ng Kapamilya network.

Ani Cayetano, ito lamang ang tanging paraan para malinawan ang taumbayan sa lahat ng isyung hinaharap ng network.

“Ultimately, it is only through a fair, impartial, comprehensive, and thorough presentation and appreciation of the evidence that we can clear the air.”

Samantala, ngayong may COVID- 19 sa bansa, sinabi ni House Speaker Cayetano na nagbago rin ang prayoridad nilang mga panukala.

Kabilang dito ang mga panukala na pro-economy at pro-people. Kasama rin ang government services tulad ng health, tourism, construction at iba pa.

 “As Congress re-aligns its priorities towards building a different and better tomorrow; by passing urgent legislation that would maximize emerging socio- economic opportunities for our people; including but not limited to the services, health, education, agriculture, tourism, construction and manufacturing sectors. We remain cognizant of our responsibility in addressing the pending issue of the ABS-CBN franchise,” saad ni Cayetano.

Pero, ani Cayetano na hindi pa rin nila nakakalimutan ang kanilang responsibilidad hinggil sa mga pending franchise bills ng ABS-CBN.