Connect with us

Floyd Mayweather-Logan Paul fight, inaasahang magiging mainit ngayon Hunyo 6

Floyd Mayweather-Logan Paul fight, inaasahang magiging mainit ngayon Hunyo 6

Sports

Floyd Mayweather-Logan Paul fight, inaasahang magiging mainit ngayon Hunyo 6

Inaasahan ng mga fans ng Mayweather-Logan Paul fight ang isang mainit na labanan sa paghaharap ng mga ito sa darating na Hunyo 6.

Ito ay dahil sa nangyaring away sa pagitan ni Floyd Mayweather at ang magkapatid na Jake at Logan Paul.

Nangyari ang insidente sa comical face-off ni Mayweather at Logan para sa kanilang exhibition flight, nang hablutin ng kapatid ni Logan ang sumbrero ni Mayweather na ikinagalit ng boxing legend.

Ayon sa ulat, hinabol ni Mayweather si Jake Paul at sinasabing sinuntok ng ilang beses nang maabutan.

Sa kanyang twitter post, ipinakita ni Jake ang black eye na nakuha mula sa insidente.

Ipinaliwanag naman ni Logan na nais lang umano ng kanyang kapatid na hingin ang sumbrero ni Mayweather pero hindi ibinigay dahil paborito ito ng boxing legend.

Samantala, hinihintay naman ngayon ang kumpirmasyon ng magkabilang panig kung matutuloy ang balita na dahil sa insidente, posibleng makalaban ni Mayweather ang magkapatid na Paul at Logan sa itinakdang araw ng fight.

 

 

Continue Reading
You may also like...

More in Sports

Latest News

To Top