Connect with us

Fixer na nag-alok ng overpriced na lisensya sa isang ARTA official, arestado

inaresto ang isang lalake na nag ngangalang Randy Albor sa labas ng gate Land Transportation Office (LTO) sa isang entrapment operation.

National News

Fixer na nag-alok ng overpriced na lisensya sa isang ARTA official, arestado

Matapos makatanggap ng mga report sa otoridad, ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Regional Field Unit-National Capital Region, inaresto ang isang fixer na lalake na nagngangalang Randy Albor sa labas ng gate Land Transportation Office (LTO) sa isang entrapment operation.

Bago ito, nagsagawa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng surveillance operations sa labas ng LTO Headquarters sa East Avenue, Diliman, Quezon City para kumpirmahin ang mga reklamo na natatanggap patungkol sa mga iligal na aktibidad ng fixers.

Sa pagkumpirma, si Undersecretary Bgen. Carlos Quita,  ay nag boluntaryo na magpabago ng lisensya sa fixer sa isang entrapment operation.

Nagpanggap si Quita na isang broker kung saan nagalok si Albor kanyang serbisyo.

Matapos tanggapin ang alok, doon natuklasan ng mga otoridad ang giangawang overpriced na lisensya sa loob mismo ng LTO Headquarters.

Pinag sabihan naman ni Secretary Jeremiah Belgica, ARTA Director General, ang publiko na huwag kunsintihin o hayaan ang mga fixers na gumawa ng mga ilegal na bagay dahil maikokonsidera din ito na korapsyon.

Aniya, “Nakikiusap din ako, actually, sa mga taong bayan. Huwag po natin kunsintehin ang mga fixers kasi ang korapsyon is a two-way street, eh,”

“Sitahin niyo, paalisin ninyo kung mayroong ganyan, otherwise, madadamay sila,”

Ayon kay LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, ang ginawang lisensya ng nahuling Fixer ay peke lamang.

Binigyang babala naman ni Sec. Galvante ang mga tumatangkilik na mag palisensiya sa fixer dahil wala silang makukuha benepisyo dito.

“Anong tulong na maibibigay sakanila ng isang fake na license? Wala silang ano ron, ‘di ba, walang benefit na makukuha ron,” ang pahayag ni Galvante.

Kakasuhan ngayon si Albor sa paglabag sa Republic Act No. 11032 o The Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Nasa kustodiya na ngayon ng CIDG si Albor at sasailalim ng inquest proceedings ngayong araw, June 16.

Magkakaroon din nang masusing imbestigasyon ang ARTA kaugnay ng pangyayari at posibleng koneksiyong ng mga fixers na ito sa loob mismo ng tanggapan ng LTO. Nangako rin ang LTO na magsasagawa ng sariling pagsisiyasat sa nasabing insidente.

 

More in National News

Latest News

To Top