Connect with us

Filipino-Chinese Community, tiniyak ang suporta sa COVID-19 response ng Pamahalaan

Tiniyak ng Filipino-Chinese Community na patuloy itong mag-aabot ng tulong sa gobyerno upang tuluyang makaahon ang bansa mula sa pagkalugmok dulot ng COVID-19 pandemic.

National News

Filipino-Chinese Community, tiniyak ang suporta sa COVID-19 response ng Pamahalaan

Tiniyak ng Filipino-Chinese Community na patuloy itong mag-aabot ng tulong sa gobyerno upang tuluyang makaahon ang bansa mula sa pagkalugmok dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) President Henry Lim Bon Liong, ang pagkakaloob ng donasyon sa  mahigit 500 mga barangay at higit 100 ospital ay sumisimbolo ng organisasyon at pagkakaisa ng Chinese-Filipino community sa bansang Pilipinas.

Kabilang din sa naipamahagi ng FFCCCII ang mahigit P300 milyong halaga ng tulong para sa COVID-19 efforts at medical supplies, direkta sa medical frontliners,  kasama na rin ang bio-molecular lab sa Philippine Red Cross (PRC).

Ito ay maliban pa sa iba pang Chinese-Filipino groups tulad ng KAISA, Chan Family ng Oishi, Anvil Business Club, at iba pang donors na patuloy na nag-aabot ng tulong sa iba’t-ibang komunidad ng bansa at ilang kumpanya gaya ng Bank of China at Alibaba.

Nagbigay din ng donasyon ang China government at philanthropic individuals ng higit 100 invasive ventilators, 30 non-invasive ventilators, 250,000 high-grade test kits, 1.87 million N95 at face masks maging ng 3,100 tons ng mataas na kalidad ng bigas at P20 milyong halaga ng food packs sa komunidad sa pamamagitan ng Local Governments Units (LGUs).

Sa isinagawang virtual turnover, pinasalamatan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang FFCCCII sa pinakahuling turnover ng P1 million para makatulong sa Micro- Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng bansa, at mai-promote ang produkto at serbisyo ng Pilipinas sa ginanap na China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) at China International Import Expo  (CIIE), ang dalawa sa pinakamalaking investment at trade expos sa buong mundo.

Ani Lopez, ang pagsuporta sa Filipino enterprises ay mahalagang sangkap sa pagsusumikap ng pamahalaan na muling buhayin ang ekonomiya ng bansa mula sa matinding epektong dulot ng pandemya.

Kinilala rin ni Secretary Lopez ang long- standing partnerships ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. at DTI kung saan kabilang sa mga programang kanilang inilunsad ang “Buy Pinoy” na i-manupaktura sa Pilipinas kasabay ng pag-alalay ng suporta para sa ligtas na operasyon at distribusyon ng  mga produkto at serbisyo sa bansa.

More in National News

To Top