Filipino Boxer Mike Plania, kampeon kontra sa American boxer

Sports

Kampeon ang Pinoy boxer na si Mike Plania matapos nitong matalo ang katunggali nitong si American Boxer Joshua Greer Jr. kaninang umaga sa MGM grand conference center sa Las Vegas.

Ito na ang pinakamalaking panalo ni Plania sa kanyang boxing career na nanalo via majority decision na may iskor na 94-94,96,92.97-91.

Si Plania rin ang kauna-unahang Filipino boxer na muling nagbalik sa ring mula ng magkaroon ng COVID-19 outbreak.

Naging maganda ang simula ni 23 taong gulang na boksingero sa first round ng kanyang laban matapos nitong mapatumba si Greer via swift left hook.

Dalawang beses napatumba ni Plania si Greer at sinubukan pa nitong bumawi sa Pinoy boxer sa dulong bahagi ng kanilang salpukan ngunit hindi ito naging sapat dahil sa dami ng pinakawalang suntok ni Plania sa unang bahagi ng kanilang 10 rounder fight upang tuluyang maipanalo ang laban.