Connect with us

FDA, sinuspinde ang pagbibigay ng Astrazeneca shots sa mga edad 60 pababa

Nais ni Cavite 4th District Rep. Elpidio Barzaga na gawing mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa buong bansa.

National News

FDA, sinuspinde ang pagbibigay ng Astrazeneca shots sa mga edad 60 pababa

Pansamantalang pinatitigil ng Food and Drug Administration(FDA) sa Department of Health(DOH) ang pagbibigay ng Astrazeneca COVID-19 vaccine para sa mga edad 60 taong gulang pababa.

Ito ay matapos na matuklasan ng European Medicine Agency (EMA) na posible ang blood clotting sa mayroong mga may mababang platelet count.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ginawa nila ang rekomendasyon habang naghihintay ng dagdag ebidensya at abiso mula sa mga local experts at World Health Organization(WHO).

Sinabi din ni Domingo na kakaunti na rin lang naman ang natitirang astrazeneca vaccines at sa susunod na buwan pa darating ang susunod na batch ng nasabing bakuna at sapat na panahon na aniya ito upang mapag-aralan ang shot.

Kaugnay nito, in-adopt na ng DOH ang rekomendasyon ng FDA.

More in National News

Latest News

To Top