Connect with us

 False positive COVID-19 test results ng PRC, pa-iimbestigahan ni Pang. Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat suriin ng Department of Health (DOH) ang sinasabing ‘false positive’ na COVID-19 test results mula sa PRC.

National News

 False positive COVID-19 test results ng PRC, pa-iimbestigahan ni Pang. Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat suriin ng Department of Health (DOH) ang sinasabing ‘false positive’ na COVID-19 test results mula sa Philippine Red Cross (PRC).

Sa lingguhang ulat sa bayan ng pangulo, muli nitong binanatan si Senator Richard Gordon na siyang chairman ng Red Cross at ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga ngayon sa umano’y anomalya sa biniling pandemic medical supplies ng pamahalaan sa Pharmally Pharmaceuticals Inc.

Ayon kay Pang. Duterte, “I also would like to ask, are you testing — – are your testing facilities and equipment really as good as you say they are? Because I have heard of many false positive cases from your laboratories. Can you enlighten the Filipino people on this.”

Sinabi pa ito na may natatanggap siyang impormasyon mula sa mga empleyado ng gobyerno kabilang na mga personnel ng ospital na false positive ang natanggap nilang RT-PCR test result mula sa mga laboratoryo ng Red Cross.

Aniya, sa 49 na hospital personnel, 44 ang lumabas na positibo sa COVID-19 sa unang test nila sa PRC ngunit nang lumipat sa ibang molecular laboratory ay negatibo sila.

Dagdag ng pangulo, 187 sa 213 members ng Presidential Security Group ay nagpositibo rin sa virus nang magpa-test sa mga laboratoryo ng Red Cross sa Manila ngunit ng sumailalim sa isa pang test negatibo sila sa COVID-19.

“Ang mahirap nito, Dick, is paano ‘yung mga tao na tumanggap na lang sa PCR test ninyo na positive sila, when all along negative sila but because walang pera at hindi masyadong — the meek and assertive once, pasunod-sunod na lang and had to endure a confinement of two weeks, when all along tested negative pala sila? Iyan ang problema mo sa Red Cross.”

“Because of this information, then maybe the DOH must investigate this matter. You could be putting more people at risk. You could be falsely adding to the total positive cases per day of this country,” saad ng pangulo.

Sa pagdinig ng Kamara nitong Lunes, sa halip na ang pag-usapan ay ang umano’y overpriced na bilining pandemic supplies, bumaling ang diskusyon ng mga mambabatas sa mga paratang na maling resulta ng COVID-19 tests ang ibinibigay ng PRC sa mga health workers.

Ayon kay Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta may report na umabot sa kanyang opisina kung saan ipinakita na 44 sa 49 na health workers sa Subic ang nagpositibo sa COVID-19 matapos magpasuri sa PRC.

Kinumpirma naman ni Health Secretary Francisco Duque III na iniimbestigahan na ng DOH at ng Research Institute for Tropical Medicine o RTM  ang naturang ulat.

More in National News

Latest News

To Top