Connect with us

Facebook, posibleng magamit sa ibang interes sa 2022 elections – Rep. Defensor

Posibleng magamit sa ibang interes ang social networking site na Facebook sa darating na 2022 elections.Ito ang pinangangambahan ni Rep. Mike defensor

National News

Facebook, posibleng magamit sa ibang interes sa 2022 elections – Rep. Defensor

Posibleng magamit sa ibang interes ang social networking site na Facebook sa darating na 2022 elections.

Ito ang pinangangambahan ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa panayam ng sonshine radio.

Aniya, hindi kasi malinaw kung ano ang batayan ng censorship ng Facebook lalong-lalo na dito sa Pilipinas.

Paliwanag pa ni Defensor, nangyayari minsan na bigla nalang tinatanggal ang isang video sa Facebook lalo na kung hindi ito gusto o hindi ito pinapanigan ng mga taga-censor nito.

“Ang censorship ng Facebook, hindi malinaw lalo’t higit sa ating bansa. Para lang maging fair sa Facebook, hindi sila ang nagsi-censor. Kumukuha sila ng third party- na sino ba talaga ang inyong nagsi-censor sa aming bansa? Pangalawa, ano ba ‘yung batayan ng censorship? Ito ‘yung mga bagay na baka naman magamit sya (Facebook) ng mga ibang interes. Magamit sya ng- lalo’t higit darating ‘yung politika natin sa 2022.”

Kaugnay naman sa patuloy na paggamit sa Facebook para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno, ibinahagi ni Defensor na kung ito ay nangyayari sa ibang bansa ay maaari nilang ipasara ang Facebook.

Subalit dito aniya sa Pilipinas ay hinahayaan lang na magkalat ang mga mapanirang videos lalo na kung hindi papanigan ng taga-censor ng networking site ang reports hinggil dito.

Dahil dito, kailangan na talaga ayon kay Defensor na magkaroon ng batas kaugnay sa patas na censorship.

Magugunitang pinagpaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Facebook noong nakaraang taon hinggil sa ginagawang censorship nito sa mga anti-communism campaign ng Pilipinas.

Kinuwestiyon din ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Facebook sa pakikipag-partner nito sa umano’y local fact-checkers ng bansa na Rappler at Vera Files na hayagang kumakalaban sa gobyerno.

 

More in National News

Latest News

To Top