Connect with us

Facebook PH, maaaring napasok na rin ng mga makakaliwang grupo – Pastor ACQ

Ibinunyag ni National Task Force -ELCAC Undersecretary Lorraine Badoy sa kanyang FB post na nanganganib na itake-down ng Facebook

National News

Facebook PH, maaaring napasok na rin ng mga makakaliwang grupo – Pastor ACQ

Ibinunyag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict  (NTF-ELCAC) Undersecretary Lorraine Badoy sa kanyang FB post na nanganganib na itake-down ng Facebook ang NTF-ELCAC page.

Ani Badoy ilang beses na silang nakikipag-ugnayan sa FB pero hanggang ngayon ay hindi pa rin maliwanag kung ano sa “community standards” ang kanilang nalabag.

Muli ring kinuwestiyon ni Badoy ang pagsuspende sa kanilang mga account ni Lt.Gen. Antonio Parlade ng dalawang beses na tumagal ng 60 araw dahil sa kanilang mga posts laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-​National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na aniya ay pawang katotohanan naman.

Kaugnay nito ay naglabas din ng saloobin si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kanyang Give Us This Day program.

Sinabi ni Pastor Apollo na maaaring communist-infested na o napasok na rin ng makakaliwang grupo ang Facebook.

Kaya tanong ng butihing Pastor, Sasang-ayunan ba ng mga Pilipino ang gagawin ng Facebook na itake-down ang page ng NTF-ELCAC?

Giit ni Pastor Apollo,”Hindi sasangayon ang mga matitino sa bansa, bansang Pilipinas, na matitinong tao sa bansang Pilipinas, mga matitinong mamayan na ayaw ng kaguluhan na ginagawa ng CPP-NPA-NDF na mga terorista. Kung itatake down ninyo ang NTF-ELCAC eh di kasabwat kayo. Sa isip ng mamamayn baka communist infested ang Facebook. Kaya ayaw ninyo. Yun ang maliwanag ma perception ng tao sa Facebook.

Tanong naman ni Pastor Apollo sa pamunuan ng Facebook, ” Komunista na ba ang may-ari sa inyo? Communist infested ba kayo? at inaayunan ba ninyo ang terorismong ginagawa nila tulad kay Kieth Absalon at ng kanyang cousin? isa lang yan sa maraming example marami pa mga massacre.”

Dagdag ni Pastor Apollo, mismong mga kasamahan ng mga teroristang grupo na kanilang pinagdududahan na kasabwat ng gobyerno ay  walang-awa nilang pinagpapatay na umabot sa halos 4,000 katao.

Ibinahagi rin ni Pastor Apollo ang karumal-dumal na karanasan ng isa sa mga administrators ng kongregasyon kung saan noong 13 gulang pa lamang ito ay pinatay sa kanyang harapan ang kanyang ama ng mga miyembro ng makakaliwang grupo.

Sinabi pa ng butihing pastor, “Pagkatapos gustong mamuno sa bansang Pilipinas. Gustong itumba ang gobyerno tapos sila ang mamuno. Kaya sambayanan gumising na po tayong lahat at alam kong gising na tayong lahat. Kailangan lang maging militante tayo. Patalsikin na natin ang nga taong ito. huwag na nating pabayaan na magdusa na naman tayo sa kanila. Kay itong NTF-ELCAC ito yung isa sa mga sagot para bago matapos ang adminsitrasyon ng ating pangulo ay talagang whole nation approach. Magkaisa na ang sambayanan para matahimik na tayo sa gawa ng mga tao.”

Sa huli, sinabi naman ni Usec. Lorraine Badoy na walang makapipigil sa kanila at magpapatuloy ang kanilang laban kontra terorismo at insurhensiya. Aniya isang maliit lang na parte ng cyberspace ang FB at napakarami pang plataporma at paraan upang maihayag ang katotohanan sa taumbayan.

More in National News

Latest News

To Top