Connect with us

Extortionist na pekeng NBI Agent, naaresto sa loob mismo ng NBI HQ

Inaresto sa loob mismo ng National Bureau of Investigation (NBI) headquarters ang isang pekeng NBI agent dahil sa extortion o paniningil sa isang aplikante para makakuha ng NBI clearance.

National News

Modus ng arestadong suspek na si Mark Endaya Cabal na mag-alok ng tulong sa mga kumukuha ng NBI clearance at palilitawin nito na batay sa beripikasyon sa record ay may nakabinbin umanong kasong illegal drugs sa korte at may warrant of arrest ang biktima.

Dahil nakasuot ng NBI polo shirt ang suspek ay naniwala ang biktima na lehitimong NBI agent ang kanyang kausap kaya pumayag ito na magbibigay siya ng isandaang libong piso kapalit na hindi siya aarestuhin.

Gayunman ay Php 40,000.00 muna ang naibigay ng biktima pero nagbanta ang suspek na kung hindi maibigay ang kakulangan na Php 60,000.00 ay makukulong at posible pang mapatay ang biktima dahil sa pagkakasangkot umano sa iligal na droga.

Dahil diyan ay humingi na ng tulong sa NBI Special Action Unit ang biktima kaya isinagawa ang entrapment operation kaya naaresto ang suspek na nakumpiskahan pa ng tatlong plastic sachets ng shabu.

More in National News

Latest News

To Top