Connect with us

Exclusive Economic Zone sa bahagi ng Philippine Rise, minarkahan

Kinumpirna ng Philippine Coast Guard (PCG) na naglagay sila ng tatlong makabagong ocean bouys o mga boya sa Philippine Rise o dating tinatawag na Benham Rise.

National News

Sinabi ni Coast Guard Commandant, Admiral George Ursabia Jr., na inilagay sa Philippine Rise ang unang tatlong boya para markahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa naturang lugar at magsisilbi ring paalala na ito ay special protected zone.

Ibig sabihin aniya ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagmimina o oil exploration doon na pinaniniwalaang mayaman sa natural resources.

Ang Philippine Rise ay matatagpuan sa layong 250 kilometro sa Silangan ng Northern coastline ng Aurora, at malayo sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

More in National News

Latest News

To Top