Connect with us

Eugenio Lopez III, nagbitiw na bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation

Nagbitiw na sa puwesto si Eugenio “Gabby” Lopez III bilang Chairman Emeritus at Director ng ABS-CBN Corporation.

Metro News

Personal na kadahilanan naman ang ibinigay na rason ni Lopez sa kanyang pagbibitiw.

Nagsumite rin si Lopez ng kanyang resignations bilang director ng ABS-CBN Holdings Corporation, Sky Vision Corporation, Sky Cable Corporation, First Philippine Holdings Corporation, First Gen Corporation at Rockwell Land Corporation.

Effective immediately naman ang pagbibitiw ni Lopez.

Samantala, Itinalaga naman ng board of directors si Mr. Mario Luza Bautista bilang direktor ng koporasyon ang binakante ni Lopez.

Matatandaang ipinasara na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN matapos mabigong makakuha ng franchise renewal sa Kongreso.

More in Metro News

To Top