Connect with us

Esperon, sinabing matibay ang ebidensya laban sa CPP-NPA-NDF kaugnay sa Inopacan Massacre

Sobrang tibay na ang ebidensya na dala-dala ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. laban sa mga tumatayong leader ng CPP- NPA- NDF.

National News

Esperon, sinabing matibay ang ebidensya laban sa CPP-NPA-NDF kaugnay sa Inopacan Massacre

Sobrang tibay na ang ebidensya na dala-dala ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. laban sa mga tumatayong leader ng CPP- NPA- NDF.

Ito ang kanyang inihayag sa panayam ng Sonshine radio kaugnay sa pagtayo nito bilang 29th at final witness sa nangyaring Inopacan, Leyte Massacre kung saan aabot sa 300 indibidwal ang pinatay ng militanteng grupo dahil sa umano’y pagiging espiya ng mga ito para sa pamahalaan.

Ayon kay Sec. Esperon, panahon na umano para papanagutin ang mga tao sa likod ng tinatawag ng NPA na internal purging sa kanilang hanay noong 1984 hanggang 1986.

Ibinahagi rin ni Esperon ang ilang mga indibidwal na kinasuhan nila dito.

Isa aniyang patunay ang nangyaring massacre sa Inopacan, Leyte at laganap pa sa Southern Tagalog, Cagayan, Visayas at Mindanao na criminal at terrorist in nature ang CPP-NPA.

Matatandaan namang 2006 pa ng inihain mismo ni Esperon ang kasong ito laban kay CPP-NPA Leader Joma Sison matapos nadiskubre nito ang labi ng 96 na indibidwal sa Mt. Sapang Dako, Inopacan, Leyte.

Samantala, iginiit ng University of the Philippines na hindi ito nagre-recruit para sa mga komunistang grupo taliwas sa mga alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga taga suporta nito.

Base sa pahayag ni UP Vice President For Pubic Affairs Elena Pernia, hindi sila nagre-recruit para sa mga komunista dahil sa hindi ito ang pangunahing misyon nito.

Binigyang diin ni Pernia na ang institusyon ay may mahalagang papel sa pagsanay sa mga propesyonal, high-level specialists, scientists at researchers na kailangan ng bansa.

Sinabi din nito na makikita din ang mga university alumni sa lahat ng sangay ng pamahalaan kabilang na ang executive branch kung saan ang ilang miyembre ng gabinete ay propesor sa kanilang unibersidad.

Matatandaan na sa kanyang televised address noong Martes ay binantaan ni Pangulong Duterte ang UP at sinabing tatanggalan niya ng pondo ng unibersidad kasunod ng mga ulat na nananawagan ang mga stuyante para sa academic strike.

More in National News

Latest News

To Top