Connect with us

Errors sa learning modules, maaring direktang ipaalam sa DepEd

Naglungsad na ng error watch intiative ang Department of Education (DepEd) upang agad na mai-tama ang mga nakalusot na errors sa ipinamahaging learning modules.

National News

Ito ang bilang pagtugon ng kagawaran sa mga lumalabas na reklamo patungkol sa namamataang errors sa learning materials ng mga estudyante.

Sa pamamagitan ng naturang inisyatibo maari nang direktang mag-repot ang publiko sa DepEd sa pamamagitan ng pagtext sa numerong 0916 680 5334 o mag email sa errorwatch@deped.gov.ph.

Maari rin magsumbong sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa DepEd error watch facebook at work chat.

Hinikayat din ng kagawaran ang publiko na makiisa sa nasabing hakbang at gumamit ng #depederrorwatch upang mabilis na maresolba ang mga pagkakamali sa learning resources.

More in National News

To Top