enrollment pampublikong paaralan

Enrollment sa mga pampublikong paaralan, sisimulan na ngayong araw

National News

Magsisimula na ngayong araw ang enrollment ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Maliban pa sa enrollment, sisimulan na rin ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang virtual Oplan Balik Eskwela at Brigada Eskwela ngayong araw.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi na kailangan na pumunta ang mga estudyante at magulang sa paaralan para magpalista.

Hintayin na lamang aniya ang abiso ng DepEd kaugnay sa magiging proseso ng pagpapalista.

Kinumpirma din nito na tuloy na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24. Pero hindi ito face to face kung ‘di blended learning, distance learning o flexible learning.