Mahigit 1,000, lumabag sa ECQ sa Cavite

Ekonomiya ng bansa, mamamatay kung ibabalik sa ECQ – DTI

National News

Hindi inirerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang posibleng pagsasailalim ng bansa sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay bunsod na rin sa pinaigting na testing ng pamahalaan.

Bumababa naman ani Lopez ang bilang ng mga nasawi kung kaya’t hindi ito dapat maging rason para ibalik sa ECQ ang bansa.

Mamatay na talaga aniya ang ekonomiya ng bansa kung hihigpitan ulit ang quarantine protocols.

Nakatakda namang irekumenda ng DTI sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagbubukas ng mas marami pang services sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kabilang sa kanilang irerekumenda ang pagbubukas ng tutorial services, review centers, internet cafes, personal grooming and aesthetic services, pet grooming at drive-in cinemas sa mga lugar na nasa GCQ.

Ang mga internet cafe aniya ay papagayan lamang na mag-operate para sa school at learning purposes.

Una nang pinayagan ng IATF ang ilang piling industriya na mag-operate pero sa limitadong capacity lang.

Sa ngayon, nanatili ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa sa ilalim ng GCQ na tatagal hanggang Hulyo 31.

Matatandaan na nagsabi ang Palasyo na posibleng ibalik sa MECQ ang Metro Manila kung aabot sa 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.