Connect with us

Ebidensya ng PNP sa Dacera case, ipadadala sa NBI

Nakatakdang ibahagi ng Philippine National Police (PNP) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ebidensyang nakuha nito sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

National News

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ngayong araw matatanggap ng NBI ang mga ebidensya mula sa PNP.

Dahil dito, makukumpleto at maisapinal na ng NBI ang kanilang report sa isinagawang imbestigasyon sa Dacera case ngayong linggo para maisumite na sa Department of Justice (DOJ).

Matatandaan na natagpuang patay si Dacera noong bagong taon, Enero 1 matapos magcheck-in kasama ang mga kaibigan nito sa isang quarantine hotel sa Makati City para salubungin ang bagong taon.

Tatlong suspek ang sinampahan ng kasong rape at homicide ang unang inaresto ng pulisya ngunit pinalabas din ng Makati City prosecutor’s office.

More in National News

Latest News

To Top