Connect with us

Early registration para sa school year 2021-2022, umarangkada na

Sisimulan na ngayong araw ang early registration para sa School Year 2021-2022.

National News

Early registration para sa school year 2021-2022, umarangkada na

Sisimulan na ngayong araw ang early registration para sa School Year 2021-2022.

Ang registration ay bukas para sa lahat ng incoming grade 1, 7 at 11 students.

Hindi naman na kinakailangan pang lumahok sa registration at ikinukunsidera nang pre-registered ang mga incoming grade 1, 6, 7, 10 at 12.

Ayon sa Department of Education (DepEd), layon nito na matiyak na makapag-enroll ang mga estudyante para sa susunod na school year.

Makatutulong din ito upang mamonitor ng ahensyang bilang ng mga papasok na grade, 1,7 at 11 students bilang paghahanda ng bawat paaralan.

Nilinaw naman ng DepEd na magiging magkakaiba ang mode of registration sa bawat rehiyon depende sa quarantine restrictions na ipinatutupad.

Umaasa din ang ahensya na mas magiging mataas ang enrollment turnout sa School Year 2021-2022 kumpara noong nakaraang taon.

Tatagal ang pre-registration hanggang sa Abril 30.

More in National News

Latest News

To Top