Connect with us

Duterte-Marcos tandem sa 2022, lalong lumalakas sa pagkikita nina Mayor Sara, Imee at Bongbong

Duterte-Marcos tandem sa 2022, lalong lumalakas sa pagkikita nina Mayor Sara, Imee at Bongbong

National News

Duterte-Marcos tandem sa 2022, lalong lumalakas sa pagkikita nina Mayor Sara, Imee at Bongbong

Lalong lumalakas ang ingay ng Duterte-Marcos tandem para sa halalan sa susunod na taon.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagkikita sa magkapatid na sina senador Imee at dating senador Bongbong Marcos noong Sabado.

Ayon kay Mayor Sara, ang naturang lunch meeting ay bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, Mayo 31.

Wala namang sinabi ang alkalde kung ano ang napag-usapan nila ng magkapatid na Marcos sa naturang pagkikita.

Sa ngayon, lalong lumalakas ang kampanya ng ‘Run, Sara, Run’ bagama’t patuloy pa rin na iginigiit ni Mayor Sara Duterte na hindi ito tatakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksyon.

 

More in National News

Latest News

To Top