Connect with us

Duterte, binigyan ng direktiba ang DILG na pamunuan ang Pfizer COVID-19 vaccines

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makibahagi sa pamumuno ng pagbiyahe at paghawak sa mga COVID-19 vaccines.

National News

Sa taped public briefing, ibinigay ni Duterte ang kanyang direktiba matapos na iulat ni Vaccine Czar Carlito Galvez na hindi na idadaan ang Pfizer vaccines para sa Cebu at Davao sa Metro Manila at direkta na itong ipapadala sa mga nasabing probinsya.

Ani Duterte, wala itong problema kung direktang ihahatid ang mga bakuna sa mga LGUs ngunit ang ikinababahala lamang nito ay ang paghawak sa mga ito.

Dagdag ni Duterte, obligasyon ng DILG na masiguro ang kaligtasan ng mga bakuna.

Kamakailan lamang ay may mga ulat ng mga bakunang nasasayang dahil sa storage at logistical problems.

More in National News

Latest News

To Top