Connect with us

Duque, handang humarap muli sa Senate Blue Ribbon Committee

Irerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagang dumalo ang mga cabinet official sa imbestigasyon ng Senado.

National News

Duque, handang humarap muli sa Senate Blue Ribbon Committee

Irerekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagang dumalo ang mga cabinet official sa imbestigasyon ng Senado.

Kasunod ito sa ipinalabas na ‘collective expression of indignation and a call to action’ ang nasa 300 na mga dati at kasalukuyang miyembro ng Philippine College of Physicians at iba pang medical professionals bilang suporta sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa maanomalya umanong pagbili ng COVID-19 medical supply sa Pharmally.

Sa deliberations ng  P242-billion proposed budget ng Department of Health (DOH) para sa 2022, tinanung ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Duque, “Do you agree with the call of all your fellow physicians, supporting the Blue Ribbon investigation?”

Ayon kay Duque, handa siyang humarap sa Senado upang mapatunayan na walang nangyaring katiwalian sa pagbili ng medical supply bilang tugon sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Ipinunto naman ng health official na walang absent ang kanyang departmento sa mga pagdinig ng Kongreso ukol sa paggamit ng pandemic funds.

Iminungkahi naman ni Duque sa Senate Blue Ribbon Committee na magkaroon ng “reasonable adjustment” para makadalo ang mga cabinet official sa imbestigasyon upang magawa rin nila ang kanilang mga tungkulin.

Matatandaang ang Senate Blue Ribbon Committee ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobyerno ng Covid-19 medical supplies mula sa Pharmally.

Ngunit ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng gabinete na huwag humarap sa mga pagdinig sa Senado dahil naapektuhan na ang kanilang mga trabaho sa paggugol ng mahabang oras sa pagdinig na hindi naman tinatanong.

More in National News

Latest News

To Top