Connect with us

Duplikasyon umano ng DSWD program sa NTF-ELCAC, kinuwestiyon sa Senado

Duplikasyon umano ng DSWD program sa NTF-ELCAC, kinuwestiyon sa Senado

National News

Duplikasyon umano ng DSWD program sa NTF-ELCAC, kinuwestiyon sa Senado

Isa sa mga pangunahing ahensya na isinalang sa budget debates ngayong araw ay Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Para sa taong 2022 ay isa ito sa mga ahensya na planong mapagkalooban ng mataas na budget ng senado.

Sa budget bill ng mataas na kapulungan ng Kongreso ay makatatanggap ng mahigit na P26-B na dadag na pondo ang ahensya para pambigay tulong sa mga mahihirap ngayong may pandemya

“We have made the effort of adding P26.4 billion to the assistance to all the most marginalized sectors including the elderly, the poor and PWD”, ani Imee Marcos.

Pero sa deliberasyon, halos maubusan ng gana si Senator Ping Lacson sa pagtatanong dahil halos wala aniya itong makuhang sagot sa tanong kung bakit mayroong napakaraming programa sa ilalim ng DSWD

Mayroong 16 na proyekto at programa ang ahensya pero hanggang ngayon aniya ay hindi pa ito nakakapagpasa ng report kung para kanino at ano ang layunin ng mga programang ito.

Ang concern ng senador ay ang duplication ng mga programa at mga benepisyaryo bagay na nakakapagdagdag lang aniya ng admin cost.

Partikular na tinukoy dito ay ang sustainable livelihood program o spl sa ilalim ng dswd at spl para sa programa ng NTF-ELCAC.

Saad ng senador na baka maaaring pagisahin na lang ito sa iisang programa at e-expand na lamang.

Pero ayon kay Senator Marcos, ang i-sponsor ng budget sa plenaryo, magkaiba ang programa ng mga ito at ang intended beneficiary base sa DSWD.

Si Minority Leader Franklin Drilon naman ay nagpahayag ng pag-alala sa mga pagdodoble umano ng mga programa  lalo pa’t maaaring patuloy na mapopondohan ang mga ito sa ilalim ng 2021 GAA at sa ipapasang 2022 GAB.

Sa kasalukuyan kasi pasado na sa Kamara ang panukala para sa extention ng validity ng 2021 GAA hanggang sa susunod na taon.

Habang ang Senado ay may counterpartbill na para dito.

Si Senator Imee Marcos naman ay sinabi na muling rerebyuhin ang panukalang pondo ng DSWD.

Ayon kay Marcos ilan sa mga programang dapat rebyuhin ay ang Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA program na may P960.9 million alokasyon para sa 2022, Kapit-Bisig Laban Sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS na mayroong mahigit 4b na alokasyon para sa susunod na taon.

 

More in National News

Latest News

To Top