pamamahagi SAP pinalawig Mayo

Duplicate beneficiaries ng 1st tranche ng SAP, mahigit 51,000

National News

Aabot na sa mahigit 51,000 ang nadiskubreng bilang ng “duplicate beneficiaries” ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Batay sa post validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabuuang 51,563 na SAP recipients ang nadiskubreng nakatanggap ng “multiple cash aids” o  ayuda na mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, mabusisi nilang ginagawa ang post validation upang matukoy ang mga benepisyaryong nakatanggap ng doble-dobleng ayuda.

Ito ay upang matiyak na magkakaroon ng malinis na listahan para sa ikalawang bugso ng SAP at mailaan ang assistance sa nararapat na benepisyaryo.

Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan para sa maging mekanismo ng distribusyon sa kanilang lokalidad.