Connect with us

DTI, tiniyak na may sapat na suplay ng pagkain sa Cagayan Valley

Tiniyak ng Department of Trade and Industry na mayroon pa ring sapat na suplay ng pagkain sa Cagayan Valley Region.

National News

DTI, tiniyak na may sapat na suplay ng pagkain sa Cagayan Valley

Tiniyak ng Department of Trade and Industry na mayroon pa ring sapat na suplay ng pagkain sa Cagayan Valley Region.

Ito ay sa kabila ng massive purchases ng basic commodities ng government at non-government organizations sa para sa relief operations mga probinsyang naapektuhan ng pagbaha sa rehiyon.

Ayon sa DTI, batay sa kanilang regular price monitoring at inventory sa mga groceries at iba pang pamilihan sa rehiyon ay sasapat pa ang suplay ng mga pagkain nang hanggang 3 linggo.

Siniguro din nito na madali ding mapapalitan ang suplay ng mga produktong mabilis maubos partikular ng mga produktong karaniwang laman ng relief packs dahil bumuti naman na ang lagay ng panahon sa rehiyon at lahat ng probinsya ay accessible para sa food transport.

Lumabas din sa monitoring ng ahensya na lahat ng mahigit 300 business establishment sa 51 munisipalidad sa lalawigan ay sumunod sa umiiral na price freeze.

Samantala, tinatayang nasa 30 milyong washable face mask pa ang target na maipamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.

Ito ay bilang bahagi na rin ng proteksyon ng mga nasalanta laban sa banta ng COVID-19 partikular sa mga pansamantlang nanunuluyan sa evacuation centers.

Nasimulan naman na ng ahensya ang pamimigay ng face masks sa tulong ng Office of Civil Defense.

Ayon sa DTI, tinatayang nasa mahigit 1.5 bilyong face masks na ang kanilang naipamahagi sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top