Connect with us

DTI, inirekomenda ang pagbubukas ng personal care at dine-in services sa NCR+

Inirerekumenda ni DTI Secretary Ramon Lopez ang flexible na MECQ sa NCR plus para unti-unting buksan ang mga labor-intensive sector.

National News

DTI, inirekomenda ang pagbubukas ng personal care at dine-in services sa NCR+

Inirerekomenda ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang ‘flexible’ Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR plus para sa unti-unting pagbubukas ng mga labor-intensive sector.

Ayon kay Lopez, target ng DTI na muling buksan ang personal care services na may limited capacity na 20% hanggang 30%.

Kasama rin dito ang dine-in services sa mga food establishment na may limited capacity na 10% hanggang 20%.

Batay kay Lopez, nasa 200,000 manggagawa sa personal care services at 1 milyon na fast-food at restaurant crews ang apektado ng mas mahigpit na community quarantine measures sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Dagdag pa ng kalihim, nasa ₱60 bilyong halaga naman ng sahod ang nawala sa kasagsagan ng dalawang linggong MECQ.

Sa ngayon, inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang National Address na mananatili  sa MECQ  ang mga lugar na sakop ng NCR plus bubble  kabilang na ang Santiago City sa Isabela, at ang mga lalawigan ng Quirino at Abra simula sa susunod na buwan.

Magtatagal ang MECQ sa Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna hanggang Mayo 14.

Samantala, ibinaba naman sa General Community Quarantine (GCQ) hanggang Mayo 31 ang Apayao, Baguio City, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao Del Sur.

Habang inilagay naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga natitira pang lugar sa bansa.

Humingi naman ng paumanhin si Pangulong Duterte dahil sa pinalawig pa na MECQ at pananatili ng ilang mahigpit na quarantine restrictions sa bansa.

Ayon sa pangulo, ang ipatutupad na quarantine restrictions ay dahil sa hiling ng mga health expert, mga lokal na pamahalaan at Department of Health (DOH).

Batid din ng pangulo sa kinakaharap ngayon ng publiko ngunit kailangan ang paghihigpit dahil hindi niya kontrolado ang banta ng COVID-19.

Dahil dito, umapela ang pangulo sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na health and safety protocols at magpabakuna kontra COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top