DTI, nag-aalok ng relief loans para sa mga maliliit na negosyo

National News

Nag-aalok ng hanggang P500,000 na relief loans para sa mga maliliit na negosyo gaya ng mga online sellers mula sa gobyerno.

Ayon kay Senate Economic Affairs Committee Vice Chair Sherwin Gatchalian, maaari itong makatulong sa mga munting negosyo upang malampasan ang pagbagsak ng ekonomiya na sanhi ng COVID-19 pandemic.

Aniya, ang mga State-owned small Business Corp. (SBC), attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI), ay naglaan ng isang bilyong piso na pwedeng ipa-utang sa mga micro at small business.

Ani Gatchalian, ang mga micro enterprises na mayroong asset na hindi lalagpas ng tatlong milyong piso ay maaaring mag-apply para sa 200,000 loan mula sa SBC na may minimal monthly interest na 2.5 percent.

Sa kabilang bansa, ang mga maliliit na negosyo naman na mayroong asset na hindi lalagpas ng P10 million ay maaaring humiram ng hanggang P500,000 ng walang collateral.

Kinumpirma naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na maaari ring mag-apply ng loan ang mga online merchants dahil bukas ito para sa lahat ng micro at small business.