DSWD LGUs SAP Distribution

DSWD, tiwala sa LGUs na makumpleto ang first tranche ng SAP distribution

National News

Nasa 958 mula sa mahigit 1,600 Local Government Units (LGUs) ang tapos nang mamahagi ng emergency cash subsidy. Ito ay sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rolando Bautista sa programang Laging Handa network briefing, sinabi nitong naibigay na sa 15.87-M beneficiaries ang P89.3-B para sa SAP.

Nasa 103 LGUs na aniya ang nakapagsimula; nagsumite ng liquidation report sa field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Muli ring binigyang-diin ni Bautista na kailangang bilisan ang pagkumpleto ng distribusyon ng ayuda dahil dito nakasalalay ang implementasyon ng second phase sa buong bansa.

Gayunman, malaki ang tiwala ng kalihim sa LGUs na matatapos ang kanilang trabaho.