Connect with us

DSWD, magpapatupad ng recovery interventions para sa mga apektado ng Bagyong Rolly

Patuloy ang pagpapaabot ng relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektadong Bagyong Rolly.

National News

Ayon sa DSWD, umabot na sa mahigit ₱16.1 milyong halaga ng relief assistance gaya ng Family Food Packs (FFP) at iba pang pagkain at non-food items ang naipamigay.

Sa Bicol Region na lubos na hinagupit ng bagyo, nakapamahagi na ng 4,738 FFPS sa mga probinsya ng Catanduanes, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Sorsogon at 1000 piraso ng malong sa Tabaco City sa Albay.

Inaasahan naman na darating anumang oras ngayong araw sa Catanduanes ang karagdagang food packs, hygiene kits, sleeping kits, mosquito nets at inuming tubig na ibinyahe ng Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala,bukod sa relief aid, magpapatupad din ang DSWD ng recovery interventions para tulungan ang mga pamilya na apekado ng bagyong Rolly.

Ayon sa DSWD, kabilang sa mga programa na ipatutupad ay Emergency Shelter Assistance (ESA) program para tumulong sa shelter reconstruction ng mga typhoon victim sa Bicol at Calabarzon.

More in National News

Latest News

To Top