DSWD Duterte cash aid

DSWD, hinihintay na lang si Pang. Duterte sa pagkansela ng pangalawang bugso ng cash aid

National News

Hinihintay na lang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pormal na sulat ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakansela sa pangalawang bugso ng SAP cash aid sa general community quarantine (GCQ) areas.

Matatandaang inanunsyo ng Palasyo noong Martes na ang mga indibidwal na lang sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP)

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, manghihingi na lang sila ng pasensya sa mga taong hindi na makakatanggap ng pangalawang bugso ng ayuda dahil na rin sa utos ng Pangulo.

Nakikipag-ugnayan naman aniya ang DSWD sa National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa hakbang na gagawin upang makabangon muli ang lubos na apektadong mamamayan dahil sa ipinatupad na protocols ng pamahalaan laban sa COVD-19.