Pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang dry run ng blended learning  na gagawin sa unang linggo ng Agosto.  

Dry run ng blended learning, isasagawa ng DepEd sa unang linggo ng Agosto

National News

Pinaghahandaan na ng Department of Education (DepEd) ang dry run ng blended learning  na gagawin sa unang linggo ng Agosto.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa mga household na may mga gadget, maaaring i-download ang self learning modules kung saan tampok ang video lessons.

Kaugnay nito, target naman ng kagawaran na makumpleto na sa unang linggo rin ng Agosto ang self learning modules na ipapamahagi nito para sa mga mag-aaral na walang internet access.

Sinabi ni Briones na abala na ang kagawaran ngayon sa paghahanda ng mga module kung saan nakapaloob ang lahat ng subjects at grade levels.

Ito’y bahagi ng distance learning modalities na inihahanda nila na magiging available sa pamamagitan ng printed o digital modules.

Kasama sa target na mabigyan ng mga printed material ang mga paaralan na malalayong probinsya tulad ng coastal areas at mga komunidad na walang access sa internet o kuryente.

Dagdag pa ng kalihim, ang gagawing dry run ng blended learning ay upang matukoy ng mga guro at mga mag-aaral kung paano ito uusad bilang bagong istilo ng pagtuturo.