Connect with us

Drug suspect at pulis, patay sa engkwentro sa Cotabato

Patay ang isang drug suspect matapos makaengkwentro ang pulisya sa Alamada, Cotabato.

Regional

Drug suspect at pulis, patay sa engkwentro sa Cotabato

Patay ang isang drug suspect matapos makaengkwentro ang pulisya sa Alamada, Cotabato.

Sa ulat kay PNP chief Police General Debold Sinas, kinilala ang suspek na si Pilong Selangan na target ng warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Habang nasawi rin si Patrolman Immanuel David Valez ng Regional Mobile Force Battalion 12 dahil sa ilang tama ng bala.

Nasugatan naman sina Patrolman Mario Rapusa at Police Staff Sergeant James Byron Lagarto.

Nakuha sa napatay na suspek ang M16 rifle na mayroong dalawang long magazines.

No description available.

Tiniyak ni Police Brigadier General Michael John Dubria, regional director ng PRO 12 ang karampatang tulong sa pamilya ng nasawing pulis gayundin sa mga nasugatan.

More in Regional

Latest News

To Top